PANOORIN: Solenn Heussaff, Nico Bolzico, idinaan sa sayaw ang pagbi-breast pump

683
(Screenshot from the video of Solenn Heussaff's Instagram)

Muli na namang pinatawa ng mag-asawang Solenn at Nico Balzico ang mga netizens online nang mag-post ito ng video na sumasayaw habang nagbi-breast pump.

Sa video na ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram account, mapapanood itong sumasayaw habang nag-iipon ng gatas para sa kanilang anak.

Aniya sa kanyang post, “Weekend vibes with the supportive husband in everything I do @nicobolzico #BreastFeedingMyPassion #WeLoveLowRes #SosBolzProducciones.”

INNITY ADS

Makikita naman ang kanyang mister na nasa likod na siyang kumukuha ng video.




Nang patayin nito ang ilaw at muling buksan ay mapapanood ang bigla nilang pagpapapalit ng pwesto kung saan makikitang si Nico naman ang sumasayaw habang hawak ang pang-bomba ng breastmilk.

Dalawang buwan na ang nakakalipas nang isilang ni Solenn ang kanilang babaeng anak na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng karamihan.

Hindi pa kasi ipinapakita sa publiko ng dalawa ang kanilang unang anghel.