PANOORIN: Sandara Park, nakihataw na rin sa ‘Tala’ dance craze

979
(Screenshot of the video from Sandara Park Instagram)

Sa kasagsagan ng kasikatan ng ‘Tala’ dance craze ni Sarah Geronimo, nakisabay na rin ang kilalang KPOP dancer ngunit pusong pinoy na si Sandara Park.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Sandara ang video clip ng kanyang sayaw kasama ang G-Force dancers kabilang na si Teacher Georcelle Dapat-Sy.

INNITY ADS

Aniya, “Thank you Teacher Georcelle for the time & love!!! 😘🙏🏻 super fun!!!”

Mapapanood ang paggiling nina Sandara at Teacher Georcelle na hindi maikakaila ang husay sa pagsasayaw.




Para kay Dara, ang kanilang sayaw ang Kpop version umano ng ‘Tala’.

Dagdag niya, “Love u Sarah G!!!
#tala #taladancechallenge #TalaKpopVersion”

Ayon kay Dara, isa siyang huge fan ni Sarah.

Noong 2014, ibinahagi nitong pinili niyang panoorin ang concert ng singer sa Singapore sa kabila ng world tour noon ng kanyang grupong 2NE1.

Ipinagmalaki rin niya ang ilang mga larawan kasama si Sarah sa social media.

Nakatanggap naman ang dancer ng ilang papuri mula sa mga nagkomentong
netizen sa kanyang ipinakitang sayaw.

Sa ngayon ay siya ang pang-huling celebrity na nakipagsabayan sa sumisikat na dance craze.