PANOORIN: Mimiyuuuh, naging dance instructor ni Sarah Geronimo sa kanyang latest vlog

72
(Screenshot from Mimiyuuuh YouTube video)

Goodvibes ang hatid ng vlogger na si Mimiyuuuh nang makasama nito sa kauna-unahang pagkakataon ang Kapamilya popstar princess na si Sarah Geronimo.

Sa kanyang latest vlog nitong Biyernes, mapapanood ang video kung saan nag-ala dance instructor si Mimiyuuuh sa aktres ng mga sayaw na mismong ito ang kumanta.

Ani Mimiyuuuh, na-hire daw siya ni Sarah para turuan itong sumayaw.

INNITY ADS

Nagbigay pa raw ito ng mensahe sa kanya dahil idolo umano siya nito.

Sa video ay mapapanood din ang kulitan moments ng dalawa lalo na nang baguhin ni Mimiyuuuh ang ilan sa original dance steps ng kantang “Sa Iyo” na sumikat noong 2003.




Game na game naman si Sarah sa pakikipagsayawan at tila nagpaturo pa ng tamang “kulot” sa pagkanta na gaya ng kay Mimiyuuuh.

Sa ngayon ay umabot na sa higit 1 million views ang naturang video na ayon sa vlogger ay isang “dream come true.”