PANOORIN: Mikael Daez, pinaiyak si Megan Young sa dapat daw ay masayang photoshoot

346
Screengrab from IG clip/@mikaeldaez

Ibinuking ni Mikael Daez ang isa pang bagay na nagpapaiyak sa kanyang misis na si Megan Young.

Sa clip na ini-upload ng aktor sa Instagram kahapon, makikitang naluha ang dating Miss World sa kalagitnaan ng dapat ay masayang photoshoot nila.

“Working with Bonez (Young) is a gift and a curse! In this clip, she started randomly crying even if we were trying to have a HAPPY photoshoot,” kuwento ni Daez.

INNITY ADS

Sinisi naman ni Young ang mister na bumulong daw ng “I love you” habang nagpo-pose sila para sa intimate shot.




โ€œFofoโ€™s (Daez) making me cry!โ€ sagot ng beauty queen sa nasa likod ng camera na nagsabing huwag siyang umiyak.

โ€œIโ€™m not! O, may ginawa ba โ€˜ko? May ginawa ba โ€˜ko? Wala โ€˜kong ginawa โ€˜di ba?” natatawang pagtanggi ni Daez.

โ€œSabi ni Fofo, โ€˜I love you,โ€™ gumanun siya

Sa naunang post, ibinunyag din ng aktor ang pagtatampo ni Young nang mahuli nang tatlong minuto lagpas ng alas-12 ng hatinggabi ang birthday greeting niya sa asawa.

Nitong Enero lamang nang ikasal ang longtime couple sa Nasugbu, Batangas.