PANOORIN: Marian Rivera, hinalikan si Dingdong sa gitna ng FB live meeting

438
(Screenshot from Shygirl Twitter video)

Naghatid ng kilig sa ilang aktor at aktres ang sweet surprise ng Kapuso actress Marian Rivera sa kanyang mister habang nasa gitna ito ng FB meeting.

Nasaksihan mismo maging ng mga direktor at prodyuser ang paghalik ng aktres kay Dingdong na nagdala ng tawanan at kilig.

Sa ibinahaging video ng Twitter user Shygirl, mapapanood ang pagsulpot ni Marian habang seryosong nagsasalita ang kanyang asawa.

INNITY ADS

Saad sa post, “Ay yung kinilig din sila. Sino ba kasi di ikikiss kung ganyan naman kagwapo at may utak din at malasakit sa tao?”

Bakas ang gulat sa mukha ni Dingdong nang magnakaw ng halik ang kanyang misis sa gitna ng usapan.




Sa kabila nito ay sinubukan naman niyang ibalik ang sarili sa diskusyon.

Samantala, isa pang video ang inilabas ni Shygirl kung saan makikita ang pagyakap ni Marian kay Dingdong.

Tinawag pa niya itong DY vitaminZZZZZ.

Ang naganap na diskusyon ay bahagi umano ng Film Workers Unite’s “Go, Glow & Grow campaign” kung saan nagbabahagi ang mga miyembro ng Inter-Guild Alliance ng mga paraan para gumawa, maghanda, mag-shoot at mag-edit sa gitna ng quarantine.