PANOORIN: Marcelito Pomoy, bumirit sa kantang ‘Beauty and the Beast’ sa AGT: The Champions finale

2899
(Screenshot of the video from YouTube)

Matapos makakuha ng slot sa grand finals ng America’s Got Talent: The Champions, muling pinahanga ni Marcelito Pomoy ang mga hurado at manonood ng show sa kanyang bersyon ng ‘Beauty and the Beast’ nina Celine Dion at Peabo Bryson.

Sa inilabas na video ng America’s Got Talent sa YouTube, mapapanood ang pagbirit ni Marcelito sa naturang show na ginanap noong Linggo ng gabi (Manila time).

Maririnig ang hiyawan ng mga manonood kabilang na ang paulit-ulit na pagsigaw ng ‘Marcelito’ ng isa sa mga hurado, Heidi Klum.

INNITY ADS

Mapapanood din ang tila nabibilib na reaksyon ng dalawa pang hurado na sina Alesha Dixon at Howie Mendel.

Nang matapos ang kanyang performance, nakatanggap siya ng standing ovation sa ikatlong pagkakataon mula sa tatlong nasabing hurado.




Ani Heidi, “I know this is the third time you performed in front of us but it just never gets old like when those voices are all coming out and it’s like so many voices inside of your body and it’s just incredible over and over and over again.”

Dagdag niya, matalino rin daw si Marcelito pagdating sa pagpili ng kanta dahil sinisiguro niyang alam at gusto ito ng mga hurado at manonood.

Saad naman ni Howie, “When I first saw you, you blew me away because it was the surprise of it all.”

“Marcelito, the song choice was perfect and I actually think that you’re up to a game from the last time we heard you sing, the high notes on that song were beautiful,” komento ni Alesha.

Nang tanungin naman si Simon sinabi nitong, “You’re a very nice, very talented guy, got to tell you. You really, really are. And this is even better than the last performance you did, much, much better.”

Ngunit giit niya, “However, if it was my choice, on a night like, I would have done something less predictable.”

Maalalang una nang nakapasok sa semi-finals ang singer nang pabilibin niya ang madla sa kanyang pagkanta ng ‘The Prayer’ na naging winning song niya noong 2011 sa Pilipinas Got Talent season 2.

Sumunod nito ay muli niyang nakuha ang boto ng mga manonood sa awiting ‘Con Te Partiro’.

Samantala, mapapanood naman ang resulta ng grand finals ngayong Lunes, Pebrero 10, (US time), kung saan malalaman na kung sino ang hihiranging kampyon sa isa sa pinaka-inaabangang talent show sa mundo.