PANOORIN: Kim Chiu, naglabas ng full version ng viral song na ‘Bawal Lumabas’

2187
YouTube/Kim Chiu PH

Binuo na ni Kim Chiu ang “Bawal Lumabas” song na inspired sa nag-viral niyang pahayag sa #LabanKapamilya Facebook live protest noong Mayo 8.

Sa YouTube vlog nitong Lunes, aminado ang aktres na nalungkot nang maging tampulan ng kritisismo ang classroom analogy na hindi niya umano naihayag nang maayos dahil sa pagiging emosyonal.

Pero nang magkaroon ito ng mga nakatutuwang parody at remix na sinayawan ng marami, nagdesisyon daw si Chiu na “gawing positibo ang negatibo.”

INNITY ADS

“Siguro kung that keeps them home, that keeps them happy, sabi ko na lang sa sarili ko, ‘Siguro I’m doing a good job–na enjoy naman nila yung words ko. Thank you so much to myself!’” sabi niya.

Kasama ng aktres sa vlog si Adrian Cristobal, ang netizen na naghimok ay Chiu na i-record ang buong kanta at siya ring bumuo ng lyrics; at si DJ Squammy na nasa likod ng beat.




Samantala, tumulong naman ang Star Music sa mga puwedeng gamitin ni Chiu para sa maayos na pagre-record ng kanta sa bahay.

“This is something nice and this is something positive na nangyari out of the negative na mga nangyari nung mga nakaraang araw,” aniya.

“It’s okay. That’s life. Diretso lang ang buhay. Gusto ko maging masaya lang ang lahat ng mga tao,” dagdag ng aktres.

May mensahe ring isinama sa lyrics ang Kapamilya star para sa kanyang bashers: “Oh no, you can’t shut me down / I’ll break free, bounce back from the ground / May natatangi tayong batas, nalilimutan nating madalas / Mahahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo.”

Panoorin ang buong music video ng “Bawal Lumabas: The Classroom Song” dito: