PANOORIN: Trailer ng Indonesian remake movie na ‘Kita Kita’

477
Screenshots from 'Cintu Itu Buta' and 'Kita Kita' trailer

Bukod sa American at Korean movies, nireremake na rin ang storya na gawang Pinoy.

Mapapanood na sa Oktubre 10, sa bansang Indonesia, ang adaption nila ng pelikulang ‘Kita Kita’ na pinagbidahan noon nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Sa Instagram post ng premyadong direktor na si Sigrid Andrea Bernardo, makikita ang trailer ng ‘Cintu Itu Buta’, ‘Love is Blind’ sa wikang Ingles.

INNITY ADS

“Ugh.. got teary eyed 😢 on this. Congratulations team #KitaKita and #CintuItuButa (@cintaitubutaofficial)! Can’t wait to watch this Indonesian remake,” pahayag ng filmmaker.




Batay sa post ni Bernardo, kinuhanan ang mga eksena sa Busan, South Korea.

Ipinalabas sa bansang ang naturang indie film noong 2017 at kabilang sa mga highest-grossing movie sa parehong taon.

Ang ‘Kita Kita’ ay prinoduce ng Spring Films at Viva Films.

Muling panoorin ang trailer ng Pinoy indie film at Indonesian remake movie: