PANOORIN: ‘Eat Bulaga’ dabarkads, nakihataw sa ‘Marikit’ dance challenge

122
(Screenshot from Eat Bulaga Facebook video)

Nakipagsabayan na rin ang ilang “Eat Bulaga” dabarkads sa pagsayaw ng viral at hit ngayong kanta sa TikTok, ang “Marikit” dance challenge.

Sa Bawal Judgmental segment ng show nitong Lunes, isa ang singer ng “Marikit” na si Juan Caoile sa mga pinagpilian ng contestants.

Sa Facebook, mapapanood ang video na pinakanta si Juan ng kanyang hit song na sinabayan ng dabarkads gaya ni Jose.

DABARKADS' MARIKIT DANCE CHALLENGE | Bawal Judgmental

Merong nag-sing and dance! Merong dumaan pa sa rough road! šŸ˜‚

Posted by Eat Bulaga on Monday, June 29, 2020

Maya-maya pa ay sinimulan na ng mga ito ang pagsayaw na pinangunahan ni Alden Richards at sinabayan ni Maine Mendoza.

Hindi rin nagpahuli sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.




Napasabak din maging ang celebrity contestant na si Andrea Torres.

Ngunit hindi rin naman nagpatinag si Bossing Vic dahil mayroon pa siyang TikTok video ng naturang dance challenge.

May nag leak ng TokTik video ni Bossing sa group chat ng mga #ChisGurls šŸ˜‚

Posted by Eat Bulaga on Monday, June 29, 2020

Samantala, kamakailangan lang ay sumikat ang Marikit dance challenge na kinagiliwan ng netizens online.

Samu’t saring video kasi ang kumalat sa social media at kanya-kanyang pagalingan sa paghataw ng nasabing kanta.