PANOORIN: Donita Nose, nakalabas na ng ospital matapos gumaling sa COVID-19

138
(Screenshot from Donita Nose Facebook video)

Napagtagumpayan ng komedyante at host na si Donita Nose ang ilang linggong pakikipaglaban sa COVID-19.

Nito lamang Miyerkyules ay ibinahagi ni Donita sa kanyang Facebook ang isang video kung saan mapapanood ang tuluyan niyang paglabas ng ospital.

And im FREE!.. SALAMAT PO AMA!πŸ™πŸ™πŸ™Salamat sa lahat ng nag pray.. nag nagmalaksakit at nagmahal.. at nagbigay ng tulong, gagawa ako ng video ng lahat ng taong papasalamatan ko. Pero eto muna.. SALAMAT sa lahat ng FRONTLINERS saksi ako sa hirap at pagmamahal nyo sa mga pasyente at trabaho nyo.. SALUDO AKO SA INYONG LAHAT.GOD BLESS US ALL! I LOVE YOU ALL.!!!πŸ™β€

Posted by Donita Nose on Wednesday, August 12, 2020

Matutunghayan ang masayang awra ng komedyante habang ibinabalita na natapos na ang kanyang pananatili sa ospital.

Palakpakan naman ang handog ng frontliners para sa kanya na labis-labis niyang pinasalamatan.

“Thank you, ingat kayo. Godbless, ipag-pray natin sila,” sabi ni Donita sa naturang health care workers.




Saad naman niya sa post, “Salamat sa lahat ng nagpray, nagmalasakit at nagmahal at nagbigay ng tulong. Gagawa ako ng video ng lahat ng taong pasasalamatan ko.”

Malaking pasasalamat ang ipinarating niya sa frontliners dahil batid niya raw ang lahat ng hirap at pagmamahal ng mga ito sa kanilang mga pasyente at sa mismong trabaho.

“Saludo ako sa inyong lahat. God bless us all. I love you all,” saad ni Donita.

Hindi rin kinalimutan ng komedyante na pasalamatan ang Panginoon sa kanyang paggaling.

Sabi niya, “And I’m free! Salamat, Ama!”

Matatandaang nakaraang buwan lamang nang makumpirmang positibo sa COVID-19 si Donita.

(BASAHIN: Komedyanteng si Donita Nose, nagpositibo sa COVID-19)

Naibahagi niya noon na pahirapan ang makahanap ng lugar dahil puno na ang mga pasilidad dahil sa dami ng pasyente.

Nagpasalamat naman ito na hindi na raw siya umabot sa puntong kailangan lagyan ng life support.

(BASAHIN: Willie Revillame kay Donita Nose: ‘Talunin mo ‘yang virus na ‘yan’)