Pagpapakain ni Marian Rivera ng solid food kay Baby Ziggy, alam ng mga eksperto

487
Image from IG/Marian Rivera

Nagpaliwanag muli si Marian Rivera kaugnay sa pagpapakain niya ng solid good sa bunsong anak na si baby Ziggy.

Ayon sa batikang aktres, sumangguni muna siya sa kanilang pediatrician bago ituloy ang pagpapakain sa kasalukuyang five-month-old na supling.

“Yung pediatrician ko is in-allow niya si Ziggy to eat solid food. So nagpakain ako ng solid which is ayon sa WHO (World Health Organization) na kailangan pinapakain ang isang bata, six months pataas. Pero ‘yung anak ko kasi is going to five months pa lang. Pero binigyan akong pahintulot ng pediatrician ko na puwede na, allowed na si Ziggy but small amount,” ani Rivera sa press conference ng kaniyang programa “Tadhana” noong Huwebes.

INNITY ADS

Maayos niya din sinagot ang tanong ng mga kapwa-ina hinggil sa naging desisyon bilang “pasintabi at respeto” na din sa kanila.