‘No other woman’ sa JaDine breakup: James Reid, nag-sorry kina Yassi at Issa Pressman

764

Humingi ng paumanhin si James Reid sa magkapatid na Yassi at Issa Pressman matapos idawit ng mga bashers sa hiwalayan nila ni Nadine Lustre.

Sumagot ang aktor sa Instagram post ni Pressman kung saan dinedepensahan niya ang nakababatang kapatid na sinasabing “third party” sa break-up ng JaDine.

View this post on Instagram

Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo ๐Ÿ˜Š Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya. ~ this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. ๐Ÿ˜Š Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama.. Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They're not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick ~ We're all okay. Sana po kayo din. Let's respect everyone. ๐Ÿ˜Šโค๏ธ

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

INNITY ADS

โ€œSorry you girls got dragged into this. There are some messed up people out there,โ€ย  sabi ni Reid na patama sa mga “nanggugulong” netizens.

Nag-iwan din ng maikli pero makabuluhang komento si Lustre sa naturang caption ni Pressman.




โ€œLove u both @yassipressman @pressmanissa ๐Ÿ’•,”ย mensahe ng aktres sa magkapatid na itinuturing niyang kaibigan.

Kasunod ng kumpirmasyon ng hiwalayang JaDine, kumalat sa social media ang umano’y sweet moments nina James at Issa sa isang party sa Boracay noong Disyembre 2019.

Matatandaang inilabas ng programang “Tonight with Boy Abunda” noong Lunes ang joint statement ng dalawa kung saan nakasaad ang totoong dahilan ng break-up.

Ayon kina James at Nadine, gusto muna nilang mag-focus sa kani-kanilang career at magkaroon ng personal growh.