Nadine Lustre, umaming insecure sa boobs: ‘Kasi wala talaga’

872
Instagram/@nadine

Sa kabila ng halos perpektong imahe sa paningin ng fans, ibinunyag ni Nadine Lustre na insecure siya sa maliit niyang dibdib.

Inamin ito ng Kapamilya star sa vlog ng YouTuber na si Angel Dei Peralta na nagtanong ng kanyang insecurities.

“I wish my boobs were bigger kasi wala talaga. No, but boobs kasi they’re fat eh,” sagot ni Lustre.

View this post on Instagram

🐆 #HMSwimEssentials

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

Pero tinatanggap na lang daw ito ng aktres kesa problemahin pa.




“I just accept it. I mean, am I gonna stress myself about it? Either parang you work out to make it firm or wala eh it’s really fat eh, tanggapin mo. Or you eat more,” aniya.

Paliwanag niya naman, “Ako kasi my body talaga, parang lean talaga ako eh. No matter how much I eat, ‘yung heaviest ko would be 120 na. That’s my heaviest na. Hindi ko na kayang lumagpas ng 120. It’s always been like that.”

Nagbigay rin si Lustre ng payo para sa mga walang kumpiyansa sa sarili, aniya, “Love yourself. Love the skin that you’re in. And you know, don’t be ashamed of anything. That’s what the universe gave you. Accept it. Just you know, be yourself.”