Nadine Lustre, Thai actor Denkhun Ngamnet magtatambal sa bagong teleserye

1029
Cast of the newest ABS-CBN teleserye, "Burado". IMAGE: Instagram/@dreamscapeph

Magbabalik telebisyon si Nadine Lustre, pero kasama ang bagong leading man.

Makakatambal ng Kapamilya actress ang award-winning Thai actor na si Denkhun Ngamnet sa bagong teleserye ng ABS-CBN na “Burado”.

Kasama rin sa nasabing proyekto sina Julia Montes, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at mga beterano sa industriya kabilang sina Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Carmi Martin at Raymond Bagatsing.

INNITY ADS

Ibinahagi ng Dreamscape Entertainment sa Instagram ang litrato ng pagkikita ng mga bibida sa palabas noong Pebrero 10.

Nag-pose din si Lustre kasama si Ngamnet sa hiwalay na post ng Dreamscape.




“Asian Creative Academy Awards Country Winners – Philippines’ Best Actress @nadine & Thailand’s Best Supporting actor @denkhun__ngamnet star in Burado, the new Primetime Series of ABS-CBN,” saad sa post.

Kukuhanan ang “Burado” sa apat na bansa: Thailand, Cambodia, India at Pilipinas.

Hindi pa inaanunsyo kung kailan ipapalabas ang teleserye.

Samantala, abala rin ang dating on-and-off screen partner ni Lustre na si James Reid sa seryeng pagtatambalan nila ng K-pop idol na si Nancy McDonie, ang “The Soulmate Project”.