Nadine Lustre, pinabulaanan ang isyung buntis

4853
IG/@nadine

Gulat at natatawang sinagot ni Nadine Lustre ang tanong tungkol sa usap-usapang buntis siya ngayon sa kasintahang si James Reid.

Kamakailan lang, kumalat ang litrato ni Lustre na kuha sa airport bago magtungong Indonesia para sa isang proyekto.

Kapansin-pansin dito na may kalakihan ang tiyan ng aktres, kaya naman nagsimulang maghinala ang netizens na buntis si Lustre.

INNITY ADS

“Ha? Buntis ako? Ba’t di ko po alam na buntis ako,” sagot ng aktres nang tanungin sa presscon ng “Your Moment”, bagong reality talent search ng ABS-CBN.




“Talaga ba? Hindi naman,” hirit niya pa.

Wala raw ideya ang aktres kung saan nagmula ang balita at umapela sa publiko na huwag maniwala kung hindi sa kanya nanggaling.

“Saan kasi nanggaling? Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana ‘wag nang paniwalaan ‘di ba?” aniya.

Nang usisain naman ang mas “sexy” na katawan ngayon ng aktres, sinabi niyang nanggaling siya sa sakit.

“Nagkasakit po ako. Ano po, viral po. Siyempre lahat po halos ng tao ngayon may sakit. Kakagaling lang sa rainy season,” aniya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapabalitang buntis ang aktres–noong 2017, lumutang din ang isyung buntis si Lustre.