Ms. Everything, nakatanggap ng mensahe mula kay Angel Locsin nang ipakita ang nasirang bahay dahil sa bagyong Ambo

2062
(Angel Locsin Instagram / Miss Everything Twitter)

Nagpaabot ng pagmamalasakit ang aktres na si Angel Locsin sa viral sensation na si Ms. Everything nang ibahagi nito sa social media ang kanilang kalagayan matapos manalasa ang bagyong Ambo sa Western Samar.

Sa Twitter post ni Ms. Everything (real name: Ericka Camata), ipinakita nito ang kanilang bahay na sinira ng bagyo.

Makikitang wala ng bubong ang naturang tahanan at sira na rin ang ibang pader nito.

INNITY ADS

Saad niya sa post, “Our home. We our safe no worrying everyone ❀”

Dahil dito ay napansin ng aktres at nakilala ang viral sensation at agad itong nagpadala ng mensahe.




Aniya, “Anong brgy po kaya?”

Sabi ng isang Twitter user, β€œThe whole Samar has been devasted North, East and West Samar. As of now most of the three provinces do not have electricity and cellular signal. Have not heard from my family in Northern Samar since yesterday. Mala yolanda daw ang lakas ng hangin. They said the wind was as strong as Yolanda’s.”

Nagcomment ang aktres at hiniling na sana’y ligtas ang pamilya ni Ericka.

Marami naman sa netizens ang nagbigay ng tulong kay Ericka nang malaman ang kanyang sitwasyon.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano’ng tulong ang natanggap ni Ms. Everything mula sa aktres.

Samantala, mahigit 141,000 residente ng Samar ang lumikas at nanatili sa evacuation centers matapos manalasa ang bagyong Ambo.