Moira Dela Torre muntik na mabulag, stroke dahil sa nose job

2565
Instagram/Moira Dela Torre

Nilinaw ng singer na si Moira Dela Torre ang dahilan ng kanyang mababang energy bilang hurado sa “Idol Philippines” na binabatikos ng ilang netizens.

Nauna nang isiniwalat ng host-actor na si Vice Ganda sa kanyang programang “Gandang Gabi Vice” na mayroong “hindi magandang nangyari sa ilong” ni Dela Torre.

Pag-amin ng singer, sumailalim siya sa non-invasive rhinoplasty para sa kanyang ilong dalawang buwan matapos ikasal sa asawang si Jason Marvin Hernandez nitong Enero.

INNITY ADS

“Well, basically, may nagkamali. And my nose went on necrosis,” ani singer sa press conference ng paparating niyang concert na “Braver”.

“And it was a very simple procedure. It’s non-invasive. But it went wrong. Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack, and stroke,” aniya.




Tiniyak naman ni Dela Torre na “85% healed” na siya matapos ang tatlong buwang pagpapagaling sa kanilang bahay.

“I feel like I’m 100% healed internally. I feel like this whole season really did make me so much braver,” dagdag ng singer.

Pinatawad na rin daw ng Kapamilya singer ang taong nagsagawa ng operasyon.

“Napatawad ko na rin naman po and I know that that person didn’t mean to do that. I’ve forgiven that person. That person helped me fix everything,” aniya.

Nagpapasalamat naman ang singer dahil nalagpasan niya ang hamon sa kanyang kalusugan.

Sa Setyembre 13 gaganapin ang “Braver” concert ni Dela Torre sa Araneta Coliseum, Quezon City.