Mika Dela Cuz, namahagi ng face shield sa mga frontliner sa Malabon

1682
Photos from Instagram/@mikadlacruz

Nakiisa na rin sa pagtulong sa frontliners ang aktres na si Mika Dela Cruz, sa pamamagitan ng pamimigay ng proteksyon konta coronavirus disease.

Personal na iniabot ng “Kara Mia” star ang mga face shield sa ospital, military personnel, security guard, at fast-food crew sa Malabon City.

“Nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila,” saad ni Dela Cruz sa Instagram post noong Sabado.

INNITY ADS

View this post on Instagram

DAY 1 β€’ hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon πŸ™ nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila.. these are face shields po for protection (PPE) ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para saatin. i just wanted to give back to them in my own little way… salamat po sa sakripisyo ninyo! we appreciate each & every one of you. ingatan niyo din po ang inyong mga sarili ha? konting tiis nalang, matatapos din po ito.. SALAMAT PO SAINYO β€οΈπŸ™πŸ»πŸ˜’ sa lahat po ng gustong tumulong pero hindi alam kung papaano.. marami pong paraan πŸ™‚ pwede po kayong magdonate online sa mga official organizations para dito o kaya naman direct sa mga hospitals na. if monetary, wag kayong malula or matakot. any amount will help naman po. kahit 20pesos or 50pesos man yan may matutulungan ho kayo. pwede din po kayong mag DIY ng mga PPE or food packages para sa mga frontliners at sa mga nangangailangan. kung hindi naman po hot meals ang maipprepare kahit relief goods po ay makakatulong lalo na sa mga pamilya na walang wala talagang pambili kahit pagkain. kung talagang wala din pong maibibigay πŸ™‚ wag po magalala.. kahit simpleng pagsspread ng awareness.. kahit simpleng words of encouragement sa mga taong hindi maganda ang kalagayan at natatakot ngayon.. kahit konting pagintindi at pagaalala po po sa ating frontliners.. kahit maisama lang natin sila sa prayers natin araw araw… may nagagawa na po tayo πŸ€— #loveinthetimeofcorona

A post shared by m a r i k o (@mikadlacruz) on

Noong Linggo, mga nagtitinda sa palengke naman ang hinatiran ng aktres ng tulong.




“It broke my heart to see na karamihan sa mga nagtitinda sa palengke walang kahit na anong protection at halos lahat sila may mga edad na,” sabi ng aktres.

β€œTalagang sa resistensya na lang nila sila nag-rerely na sana huwag ma-infect,” dagdag niya.

Napansin niya rin daw na tila imposible ang physical distancing sa mga pamilihan dahil sa dami pa rin ng tao.

View this post on Instagram

DAY 2 β€’ today was dedicated to all our palengke vendors.. salamat po sa araw araw niyong pagsasakripisyo, kundi po dahil sainyo wala po kaming makakain ❀️ the rest given was to our frontliners na kinulang sa batch kahapon πŸ€— huhu it broke my heart to see na karamihan sa mga nagtitinda sa palengke walang kahit na anong protection at halos lahat sila may mga edad na πŸ’” ni facemask, ni gloves wala po talaga sila πŸ™ talagang sa resistensya nalang nila sila nagrerely na sana huwag mainfect.. parang impossible din sakanila ang social distancing sa dami ng tao sa palengke at trabaho nila.. SALAMAT PO! KAYO PO ANG AMING MGA SUPERHERO β€οΈπŸ™πŸ»πŸ€—πŸ˜’

A post shared by m a r i k o (@mikadlacruz) on

Inanyayahan naman ng aktres ang kanyang followers na tumulong sa paraang makakaya nila gaya ng pagbibigay ng donasyon o kahit simpleng pagpapalakas ng loob ng mga labis na naaapektuhan sa kasalukuyang sitwasyon.

Ngunit tila hindi pa tapos ang misyon ni Dela Cruz na ngayong Martes ay patuloy sa paghahanap ng mga supplier ng personal protective equipment (PPE).

Sa ngayon, Marso 31, umakyat na sa 2,084 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 88 dito ang pumanaw na, habang 49 ang gumaling mula sa sakit.