Melai Cantiveros, nagbigay-pugay sa mga boss ng ABS-CBN: ‘Binastos man, nanatili pa rin kayong marangal’

512
Instagram/@mrandmrsfrancisco

Matapos ang ‘di pagbibigay ng Kamara ng bagong prangkisa sa ABS-CBN, ipinagmalaki ni Melai Cantiveros ang mga pinuno ng kanyang home network.

Sa Instagram, ipinahayag ng comedienne-host ang pasasalamat sa mga nagsilbing “boses” sa laban ng Kapamilya network.

“‘Di kami magsasawa na magpasalamat sa inyo. Binastos man kayo, nanatili kayong mabubuti at marangal. Ngayon ko naintindihan bakit kayo naging boss namin,” ani Melai.

View this post on Instagram

Maraming Salamat po sa aming mga Bosses , na naging boses nmin sa Pakikipaglaban sa pagrenew ng aming franchise di kmi magsasawa na magpasalamat sa inyu binastos mn kayu nanatili kayung mabubuti at marangal . Ngayun ko naintindihan bakit kayu naging boss nmin , naalala ko nung kapanalo nmin sa PBB after nmin manalo sabi ni Sir Gabby na di nmin makakalimutan mag asawa , "Jason Melai sabihin nyu lang sa akin kng may problema kayu ha , ako bahala sa inyu ok? Enjoy kayu being Kapamilya ♥️♥️♥️♥️ Sobraaa , naramdaman agad nmin nuon na Kapamilya kami at may ari pa ng ABS ang kumausap sa amin na ganun , napatunayan ko na mabait tlaga mga Boss namin . So much respect po sa inyu , patuloy ang aming dasal at pananalig na mababalik natin itu ♥️💚💙 💙💚♥️ Mahal namin kayu #KapamilyaForever

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

Binalikan din ng “Magandang Buhay” host ang kabutihan ni ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez sa kanya at sa mister na si Jason Francisco nang manalo sila sa “Pinoy Big Brother” (PBB).




“After namin manalo, sabi ni Sir Gabby na ‘di namin makakalimutan mag-asawa, ‘Jason, Melai, sabihin n’yo lang sa akin kung may problema kayo ha. Ako bahala sa inyo,'” kuweno niya.

Dagdag ni Melai, “Naramdaman agad namin noon na Kapamilya kami at may-ari pa ng ABS ang kumausap sa amin na ganun. Napatunayan ko na mabait talaga mga boss namin. So much respect po sa inyo. Patuloy ang aming dasal at pananalig na mababalik natin ito. Mahal namin kayo.”

Noong Biyernes nang tuluyang ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN sa panibagong prangkisa.