Maymay’s gift to mom: Sariling bahay sa Japan

872
Photo: Maymay Entrata Facebook

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata ang regalong sariling bahay sa inang OFW sa Japan.

Sa isang panayam sinabi ng aktres na binilhan niya ng munting tirahan ang ina kasama ng kanyang nakababatang kapatid habang nagtatrabaho ito doon.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” ani Maymay.

INNITY ADS
Photo: Maymay Entrata Facebook

Dagdag niya, sa 28-taon raw ng pagtatrabaho roon ng kanyang ina ay nagrerenta lamang ito kaya ganun na lamang raw ang pagiging emosyonal nito nang makita ang sariling bahay.

Binanggit rin ng aktres ang kanyang pinapagawang bahay sa Camiguin para sa kanyang pamilya gayundin ang pagbibigay niya ng tricycle sa pinsan.




Siya rin umano ang sumusuporta sa pag-aaral ng kapatid at ng tatlong pinsan.

Agad na umani ng komento mula sa kanyang mga fans ang aktres.

May mga nagpakita ng suporta at pagmamahal kay Maymay dahil sa magandang puso nito para sa pamilya.

Ayon sa isang netizen, “Grabe ka generous kaya she really deserves all the blessings!”

Giit naman ng isa, “Thats why i love maymay she had a genuine heart”.

“Thats why i love maymay beautiful with a heart,” mula naman sa isang nagkomento.

Nakilala si Maymay Entrata bilang ‘big winner’ sa isang reality show na “Pinoy Big Brother”.

Naging aktres, recording-artist, at nakilala rin bilang international model si Maymay dahil nito lamang nakaraang taon ay siya ang kauna-unahang Filipina model sa Arab Fashion Week na ginanap sa Dubai.

Kinikilala rin siya bilang isa sa mga sikat na aktres sa telebisyon sa ngayon.

Sumabak rin siya sa mundo ng vlogging kung saan libu-libong suporta rin ang kanyang natatanggap.

Samantala, sa isang endosement ng aktres, hindi nito inakala na mabiyayaan siya ng isang bagong sasakyan.