Marjorie Barretto, may mensahe sa inang si Inday para sa kanyang kaarawan

141
(Marjorie Barretto Instagram)

Ibinahagi ng dating aktres Marjorie Barretto sa social media ang kanyang mensahe para sa inang si Estrella Inday sa pagdiriwang nito ng ika-83 kaarawan.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Marjorie ang nais niyang sabihin sa ina.

“At 83 years old, she’s still so naturally beautiful. She is strong, fierce, a fighter and a survivor,” una niyang sabi.

INNITY ADS

Aniya, magkaiba raw sila ng ina sa napakaraming bagay ngunit ang lahat ng katangiang meron siya ay nagmula rito.

“She and I are different in so many ways, but my passion for decorating my home, and my being big on Christmas decoration and celebrations, my hosting party skills and my love for cooking and recipes I got from her,” saad niya.




Ipinanalangin din ni Marjorie ang kalagayan ni Inday lalo pa’t wala na ang kanyang ama.

Sabi niya, “I pray God grants you more years, and keeps you well. It’s different now without Dad, but I know there is a reason why God chose for you to still be with us.”

Dagdag ni Marjorie, araw-araw daw dapat nilang ipagdiwang ang kaarawan ng ina.

“Let’s celebrate that every day,” saad niya.

Maalalang nakaraang taon nang magkaroon ng hidwaan ang pamily Barretto noong burol ng kanilang padre de pamilya.