Marcelito Pomoy, nakatanggap ng hero’s welcome sa Calauag, Quezon

337
(Marcelito Pomoy Instagram)

Nakatanggap ng hero’s welcome mula sa kanyang mga kababayan ang Kapamilya singer Marcelito Pomoy sa kanyang kasalukuyang hometown, Calauag Quezon kahapon, Pebrero 25.

Sinalubong ng kanyang mga fans ang America’s Got Talent: The Champions 3rd-runner up habang sakay ng motorcade na dinumog ng mga excited na mamamayan ng lugar.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Marcelito ang mainit na pagtanggap at pagsalubong sa kanya na mayroon pang inihandang programa para ipagdiwang ang kanyang pagbabalik.

INNITY ADS

View this post on Instagram

A Hero's Welcome from his current hometown Calauag, Quezon for our very own Philippine Pride AGT The Champion Season 2 3rd Runner Up Mr.Marcelito Pomoy. 👏😍😘😊🎉🏆 Part I: -Flag Ceremony plus giving plaque of appreciation and a trophy. 👏🏆😍 Part II: -Motorcade.. 👏🏆😍 Part III: -lunch treat.. 👏🏆😍 Special Thanks to all of the organizers of this said invitation (Calauag Tourism) headed by Hon. Mayora RosaLina Visorde and SB Members, BFP Calauag, PNP Calauag, Kabalikat Civicom, to our Media Partner na tlagang dumayo pa from ABS-CBN Manila headed by Mr. MJ Felipe and to his team at sa lahat ng aming mga kababayan na nkisama sa samin sa kainitan at masayang motorcade. Mabuhay tayong lahat… Maraming maraming salamat po.. Godbless us all. 😘😘😘

A post shared by Marcelito Pomoy (@marcelitopomoy8) on

Sinimulan ang programa ng Flag ceremony at binigyan ng plaque of appreciation at trophy ang singer sa pangunguna ni Mayor Rosalina Visorde at ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.




Sumunod nito ay ang pagsakay niya sa motorcade saka nagkaroon ng munting salu-salo sa lugar.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ni Marcelito mula sa natanggap na suporta noon pang audition niya sa isang AGT:The Champions.

Hindi man niya nakuha ang kampeonato ay masaya naman daw ang singer na maging parte ng show lalo pa’t isa rin siya sa pinalad na maging finalist nito.

Maalalang nakuha ni Marcelito ang ikaapat na pwesto sa nasabing show matapos niya kantahin ang “Beauty and the Beast” sa grand finals.

At matapos ang kompetisyon ay umuwi ang singer sa Pinas nito lamang Pebrero 19.

Kaugnay nito, naibahagi rin ng singer na maraming shows ang nakaabang sa kanya sa ibang bansa dahil sa pagsali niya sa naturang show.