Maine Mendoza, sinabing siya ang nagyaya ng dinner sa pamilya ni Arjo Atayde

423
(Image via Maine Mendoza Instagram)

Ibinahagi ni Maine Mendoza na siya ang nagyaya ng dinner date kasama ang pamilya ni Arjo Atayde.

Naging usapan sa social media ang post ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa Instagram account.

Sabi niya sa kanyang post,

INNITY ADS

“Fun dinner last sunday😍. Sunday is famday❤️. Love you kiddos💋❤️💋.
#family #happiness #blessed
#thankuLORD
Happy evening ❤️😍💋”

Para sa Eat Bulaga host, mas kumportable na siyang magkwento ngayon tungkol sa kanila ng rumored boyfriend.




Aniya, wala naman daw dapat silang itago tungkol sa estado nilang dalawa.

Giit niya, hindi photoshopped ang retrato dahil katunayan daw, siya pa ang nagyaya ng naturang dinner dahil pareho raw silang free ni Arjo.