Maine Mendoza, nagtamo ng pasa matapos mahulog sa set ng ‘Eat Bulaga’

703
(@mainedcm Instagram and Twitter)

Isang malaking pasa ang tinamo ng aktres at host Maine Mendoza matapos siyang aksidenteng mahulog sa set ng “Eat Bulaga.”

Ibinahagi ni Maine sa kanyang Twitter ang larawan ng kanyang tuhod na may malaking sugat kasabay ng ini-upload niyang video nang mangyari ang insidente.

Saad niya, “Oy masakit to noh!”

Mapapanood na nakaupo lang siya sa railing nang magpadulas ito kaya bigla siyang dumausdos at nahulog.

Matutunghayan din si Paolo Ballesteros na agad namang umalalay sa aktres na sinundan naman ng iba pang staff.




Naitanong pa ni Jose kung bakit nagpapadulas si Maine.

Samantala, isang video naman ang ipinost ng @menggalurks kung saan mapapanood si Maine habang sumasayaw at tila hindi nasaktan sa nangyari.