Maine Mendoza, Arjo Atayde, ipinagdiwang ang kanilang 1st anniversary

396

Nakakakilig para sa fans ng aktres na si Maine Mendoza at aktor na si Arjo Atayde ang isang larawang ibinahagi ng dalawa sa social media.

Sa Instagram account ni Maine, makikita siya suot sa kanyang green dress kasama ang nobyo habang nasa yate.

 

View this post on Instagram

 

happy first ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on Dec 20, 2019 at 4:39pm PST

Sa caption ni Maine, sinabi niyang, “happy first ♡” na agad na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa kanilang mga fans.

INNITY ADS

Una namang nagbigay ng komento ang kanyang nobyo at sinabing, “I’m crying.. I love you ❤️”

Samantala, hindi rin nagpadaig si Arjo dahil nag-post rin ito ng litrato habang hawak ang kamay ng nobya.




 

View this post on Instagram

 

Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you ❤️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on Dec 20, 2019 at 6:35pm PST

“Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you ❤️,” saad ni Arjo sa kanyang post.

Marami naman ang nagbigay ng suporta mula sa ilang kasamahan nila sa showbiz gaya nina Angel Locsin at MJ Lastimosa.

Sabi naman ni Izza Calzado na tila tuwang-tuwa sa dalawa, “Kinikilig ako! Happy Anniversary!!!! ❤️❤️❤️”

Maalalang sinabi ni Maine na wala umano silang dapat itago ni Arjo mula noong inamin niya nitong Marso na nagkakamabutihan sila ng aktor.