LOOK: Nadine Lustre, may pa-throwback para sa birthday ni James Reid

631
James Reid and Nadine Lustre. Image:Instagram

Nabuhayan ng dugo ang JaDine fans nang alalahanin ni Nadine Lustre ang isang hiking trip kasama ang ex-boyfriend na si James Reid.

Kasabay ng 27th birthday ng aktor, nag-post si Lustre sa Instagram ng black-and-white picture nilang dalawa na magkatabing tinatanaw ang mga bundok.

Kuha ito sa Mount Ulap sa Itogon, Benguet nito lamang January nang mag-hike ang Kapamilya ex-couple kasama ang malalapit na kaibagan.

INNITY ADS

Simpleng emoji ng patubong halaman lang naman ang nilagay niyang caption dito.

View this post on Instagram

🌱

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on




Todo suporta naman ang fans sa comment section, pati na ang ilang celebrity tulad ni Moira Dela Torre at Keiko Necesario na nag-iwan ng heart emoji.

Noong January lang din nang ianunsyo ni Reid at Lustre ang hiwalayan nila matapos ang tatlong taon na relasyon.

Sumikat ang dalawa sa pelikulang ‘Diary ng Panget”, at mga teleseryeng “On the Wings of Love”, at “Till I Met You”.