LOOK: Ivana Alawi, naglabas ng topless photo bilang celebration sa 8M YouTube subscribers

4594
IG/@ivanaalawi

Lalo pang nagpaka-daring si Ivana Alawi sa isang pictorial kasabay ng kanyang panibagong milestone sa YouTube.

Umabot na sa eight million ang subscribers ng actress-vlogger, halos isang buwan lang mula nang mag-seven million nitong June.

Bilang pagdiriwang, naglabas si Ivana ng topless photo sa Instagram post na may caption na, “HAPPY 8 MILLION YOUTUBE.”

INNITY ADS

Sa kuha ng photographer na si BJ Pascual, tanging mga braso lang ng aktres ang nakatakip sa kanyang dibdib.

View this post on Instagram

HAPPY 8 MILLION YOUTUBE 💣 📸 @bjpascual @antheabueno @renzpangilinan @adrianneconcept

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on




Nakatakda namang lumabas ang behind-the-scenes ng pictorial sa YouTube channel ni BJ Pascual.

Noong nakaraang taon lang nang simulan ni Ivana ang kanyang channel na humahakot ng milyong views bawat video.