LOOK: Heart Evangelista, bumisita sa mga ospital sa Sorsogon

310
Instagram/@iamhearte

Naglibot si Heart Evangelista sa ilang ospital sa Sorsogon upang personal na mamigay ng vitamins nitong Lunes.

Ibinahagi ng aktres at misis ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero sa Instagram ang kanyang ginawang pagbisita.

“Spent the afternoon visiting different hospitals here in Sorsogon and met so many lovely people,” aniya.

Nakapamahagi sina Evangelista ng 7,000 bote ng vitamins, batay sa post.




Isa ang aktres sa mga local celebrity na aktibo sa pagtulong sa iba’t-ibang sektor na apektado sa krisis sa COVID-19.

Bukod sa pamimigay ng libreng tablet, patuloy rin ang alok ni Evangelista na libreng medical at financial aid sa kanyang Twitter page.