LOOK: Boy Abunda, nag-host ng dinner para kay Aiai delas Alas, GMA 7 executives

1239
Image from Instagram/Aiai delas Alas

Nag-host ng dinner ang TV host-talent manager na si Boy Abunda para kay Aiai delas Alas at ilang executives mula sa GMA Network.

Ibinahagi ng komedyante ang litrato ng masayang dinner sa kaniyang Instagram account noong Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga dumalo ay sila Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Senior AVP for Alternative Productions Gigi S. Lara, Vice President for Business Development III Darling Bodegon, at Senior Program Managers na sina Ruth Mariñas at Nina Matilac.

INNITY ADS

Labis naman ang pasasalamat ng binansagang “Comedy Queen” sa ama-amahan at mga Kapuso boss na nagbigay ng oras sa isinagawang pagtitipon.

“Thank you ama mr BOY ABUNDA for hosting the DINNER WITH GMA BOSSES .. salamat po sa time ms liliybeth , ms darling, ms ruth, ms gigi , ms nini and ms weng of aaai.. sarap ng kwentuhan .. yehey and thank you sa mga lady bosses for their time,” pahayaf ng aktres.




Itinanggi naman ni delas Alas ang spekulasyon ng ilang netizens na babalik sa GMA-7 si Abunda.
“Hindi po, para sa akin po iyan. Siya lang ang host, kwentuhan and thank you na rin from me to GMA,” paglilinaw ng actress-TV host.
Lingid sa kaalaman ng publiko, miyembro ng Asian Artists Agency si delas Alas, ang talent management company na binuo at pinamumunuan ng “King of Talk”.