LOOK: Ara Mina, namigay ng pagkain sa frontliners sa mga checkpoint sa Quezon

333
Instagram/@therealaramina

Personal na hinatiran ni Ara Mina ng food packs ang frontliners na nagbabantay sa iba’t-ibang checkpoint sa Quezon province.

Narating ng aktres ang checkpoint sa Luisana, Lucban, Tayabas, at Lucena, base sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules.

Inihanda ng isang lokal na restawran sa Lucban, at ilang kaibigan ni Mina ang mga pagkaing ipinamahagi sa frontliners.

Binaggit naman ng aktres na siniguro muna nilang negatibo sila sa COVID-19 bago isagawa ang naturang inisyatibo.

View this post on Instagram

About yesterday. Food for the frontliners prepared by @lakwatserongkusinero with my good friends @dodjmallari and @teresaloyzaga. (We removed our masks for this picture and binalik din naminπŸ˜ŠπŸ‘πŸ» but happy to know we’re all negative naman poπŸ™πŸ») . We wanna thank @cdofoodsphere for the San Marino Tawilis and Karne Norte.😊 . Wearing @ikenn_ph for my air purifier necklce . #AraMina #AraCares #GoodwillHeartFoundation @goodwillheartfoundation

A post shared by πŸ’– π€π«πš 𝐌𝐒𝐧𝐚 πŸ’– (@therealaramina) on




Bukod sa food packs, dati na ring nagpadala ang aktres ng isang truck ng saku-sakong bigas sa mga nangangailangang komunidad sa Quezon City, Rizal, Caloocan, Laguna at Pampanga.

Katuwang ni Mina sa mga inisyatibo sa gitna ng pandemya ang Goodwill Heart Foundation.