LOOK: Ara Mina, namahagi ng saku-sakong bigas sa ilang lugar na pinaka-apektado ng pandemya

29483
Instagram/@therealaramina

Tuluy-tuloy si Ara Mina sa pagsasagawa ng tulong sa mga komunidad na pinaka-tinamaan ng krisis sa COVID-19.

Sa Instagram nitong Miyerkules, ibinahagi ng aktres ang paghahatid niya naman ng isang truck ng bigas sa mga lugar na lubhang apektado ng pandemya, kabilang ang Laguna, Rizal, Quezon City, Pampanga, at Caloocan.

“Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating,” saad niya sa post.

INNITY ADS

“Salamat sa lahat ng LGUs at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan. Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo!” dagdag niya.




Bago ito, namigay na rin ng gatas ang aktres sa mga bata sa Caloocan at Malabon; at personal protective equipment (PPE) naman para sa frontline health workers.