Lea Salonga, nagsalita na kaugnay ng ‘composer ka lang’ tweet

253

Nagbigay ng matapang na komento ang world-class performer na si Lea Salonga tungkol sa tweet ng isang Tawag ng Tanghalan ‘TNT’ contestant sa It’s Showtime.

Matatandaang nag trending ang tweet ni Shantal Cuizon para sa award-winning composer na si Louie Ocampo.

Sa komento ni Lea sinabi nitong, “I was mortified when I heard about it, and it made me feel really bad for Louie. I didn’t watch it yet (the apology) so I have no opinion on how it came across kasi somebody might say, ‘Anong klaseng apology yan?’ but somebody else might say, ‘No, that’s acceptable. That’s okay.’ So it’s hard. I haven’t seen it.”

INNITY ADS

Dagdag pa nito, siya raw ang nahihiya at nasasaktan para kay Ocampo.

Pabiro pang sinabi ng singer tungkol sa ‘ka lang’ statement, “Oh my gosh, first of all to say blank ka lang, what if somebody to my face said, ‘Ay, singer ka lang.’ Excuse me! Like don’t you know who I think I am? (laughs) No, just joking.”




Sa huli ay nagbigay ng payo si Lea na huwag daw dapat magsasabi ng ‘blank ka lang’ sa kahit sino dahil nagpapakita raw ito ng pangmamaliit ng propesyon at dignidad ng ibang tao.

Humingi naman ng paumanhin mula sa kanyang post si Shantal sa programa.