Kumpirmado na! Sam Milby, umamin sa relasyon nila ni Catriona Gray

1411
Photos: Instagram/@catriona_gray, @samuelmilby

Ibinunyag na ni Sam Milby ang real score nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa isang Instagram post noong Sabado, na 36th birthday ng aktor.

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” caption ng aktor sa litrato kung saan hinahalikan niya sa noo ang beaty queen.

INNITY ADS

Bago ito, nagpahaging na ang dalawa sa Facebook Live ng management group na Cornerstone noong Biyernes, kung saan may surprise birthday greeting si Gray para kay Milby.

‘Di naitago ang tuwa rito ng aktor at nasabi sa beauty queen na, “You are very special.”




Unang na-link ang dalawa noong 2019 matapos silang mamataang magkasama, ngunit pinabulaanan ito ni Gray sa isang interview at sinabing magkaibigan lang sila ng aktor.

Huling karelasyon ni Gray ang model na si Clint Bondad, tumagal nang anim na taon; habang si Milby naman ay ang model-host na si Mari Jasmine.