Kris Bernal, mamimigay ng higit 1,000 karton ng gatas sa gitna ng ECQ

1351
Instagram/@krisbernal

Mamamahagi ng higit isang libong karton ng gatas ang aktres na si Kris Bernal at fiance na si Perry Choi, bilang tulong sa kasalukuyang krisis sa COVID-19.

Maaaring mabigyan ng inisyatibong nilang “#MilkBeWithYou” ang kahit sinong nakatira sa National Capital Region (NCR), base sa Instagram post ng aktres nitong Abril 29.

“I’ve been vocal about my fiance’s job as a chef and as a food supplier of imported dry and frozen goods,” aniya.

INNITY ADS

“Instead of our usual way of donating online or having his driver deliver our donations, I asked him if we can do it this time on social media,” dagdag niya.




Sa sumunod na post, Abril 30, ibinalita ni Bernal na mula sa 500 karton ay gagawin na nilang 1,023 ang bilang ng gatas na ipamimigay dahil na rin sa dami ng nagpahayag ng interes.

Nilinaw niya rin na hindi ito fundraising, at ang mga gatas na inilalabas nila ay mula rin sa negosyo ng pamilya ni Choi.

“Perry’s family-owned business distributes this milk brand to supermarkets, restaurants, food commissaries, and such,” aniya.

“To those asking Hanna milk is made in Poland and if you’re interested to order, you may DM my fiancé,” dagdag niya.

Para sa mga nais makatanggap nito, sinabi niya sa Instagram Stories na kailangan lang magpadala ng personal na mensahe sa kanyang account na @kbernalcloset.

Ipadala lamang ang kumpletong pangalan, address at contact number, at bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng dalawang karton ng gatas.

Nitong Pebrero nang ma-engage si Bernal sa businessman na si Choi.