Kris Aquino, sinagot ang netizen na nagbansag ng ‘Bimbo’ at nagsabing ‘sayang’ kay Bimby

1823
Photo: Kris Aquino Facebook

Matapang na sinagot ng Queen of All Media Kris Aquino ang isang netizen matapos itong magcomment sa kanyang post sa Instagram nito lamang Miyerkules.

Ipinost ng aktres ang litraro kung saan makikita dito na kasama niya ang dalawang anak na sina Bimby at Josh habang kumakain pagkagaling sa misa.

 

View this post on Instagram

 

kuya josh & bimb (plus alvin, rochelle, bincai, gerbel, and ernan) all went to 6:15 PM Mass w/ me. after, dumedma na kami sa traffic & we ate in 1 of our favorite restaurants for yakiniku… thanksgiving dinner. i still have a month & 10 days (counting it from tomorrow when alvin remits payment) to make good on the 2nd half of a big BIR tax bill for 2018… nag “man up” naman yung accounting firm ko, acknowledged & sincerely apologized for their oversight kaya yung nakakagulat na kailangang idagdag na bayad sa buwis, tahimik kong tinrabahong magawan ng paraan… sharing this because it’s a lesson for me & hopefully for others na habang kumikita at kaya, importante talagang magtabi ng cash- maganda po ang investments pero mahirap pag masyadong matagal nakatali ang pera, lalo na pag may mga emergency or kagaya ko, malaking kailangan bayaran na may deadline. and tonight, i prayed my heartfelt thanks kasi by tomorrow, September 5, fully paid sa BIR, and pwede nang pag ipunan naman yung renovation ng area ng house namin na pinromise kay kuya josh, because deserve nya na to have his own “space” without bimb & mama being makulit & madaldal. 💛 #family

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on Sep 4, 2019 at 5:52am PDT

Nakalagay sa post ng aktres ang pagkain nilang mag-anak sa isa sa mga paborito nilang restaurants.

INNITY ADS

Nakasaad sa huling parte ng post niya ang planong pagrerenovate ng isang area ng bahay nila Kris para sa anak na si Josh dahil kailangan na umano nito ng sariling ‘space’.

Dito na nagbigay ng komento ang isang netizen na tinawag si Bimby na ‘Bimbo’ kasabay nang pagsabing sayang ito.




Ang sabi ng netizen, “Sayang talaga si Bimbo! Pag sa tatay nya lang lumake for sure naging athletic n more on lalake mentally.”

Dagdag pa ng netizen, “Ang hin hin nya ngayon pag lumakad at kumilos at magsalita para chismosa na tamad. sayang talaga.”

Agad na nagsalita ang aktres at sinabi nitong hindi raw sayang ang batang magalang at matalino.

Saad ng aktres, “You seem to want a fight, so straight to the chin okay? Hindi sayang ang batang magalang at matalino.”

Pahayag pa niya, “Mess with me directly please because obviously yung pagiging nanay ko ang hinuhusgahan mo, so here’s my answer- you are not in my league, earn the right to be in my feed.”

Sinabi niya na siya ang tawaging ‘Bimbo’ at huwag ang anak.

Samantala, mas uminit naman ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang humirit pa ang netizen sa pagsasabing pinalaki raw ni Kris ang anak na ‘physically weak’ dahil sa ‘diva lifestyle’ ng aktres.

Giniit pa nito na imbis na normal na buhay ng isang lalaki ang matamasa ng anak ay isang ‘Cinderella life’ ang meron ito.

Agad na binato ni Kris ang naturang komento at sinabing, “You have your fairy tales mixed up—I believe you were aiming for TANGLED. Remember Cinderella was practically enslaved by her wicked stepsisters, you proclaimed we have “diva” lifestyle, remember? Maybe Frozen is another choice? Just trying to be helpful….”

Sa huli ay sinabi ng aktres na mahina raw ang IQ ng naturang netizen.