Korina Sanchez mamimigay ng tsinelas, canned goods sa mga residente ng Tondo

808
Instagram/@korina

Mamamahagi si Korina Sanchez ng tsinelas at delata sa mga pamilya na lubhang apektado sa krisis sa COVID-19 sa Tondo, Maynila.

Ibinahagi ito ng broadcast journalist sa kanyang Instagram post kahapon, Mayo 18, kasama ang litrato ng mga donasyon.

Ipinaliwanag naman ni Sanchez na hindi niya personal na maihahatid ang tulong, ngunit nangakong makakarating ang mga ito.

INNITY ADS

“I’ve not forgotten. I promised, I will deliver. Kahit konti lang, may matutulungan parin kahit paano,” saad niya.




Binaggit din ng “Rated K” host ang sitwasyon ng mga taga Tondo na aniya pinoproblema ang sakit, kawalan ng trabaho, kakulangan sa pagkain at kamakailan lang ay nawalan pa ng tirahan at gamit sa sunog.

“Kung minsan magtataka ka rin. Basta tulong na lang,” sabi niya rito.

Kilala si Sanchez sa kanyang “Handog Tsinelas Campaign”, na may layong mabigyan ng tsinelas ang bawat batang mahirap sa bansa.