Komedyanteng si Donita Nose, nagpositibo sa COVID-19

679
(Donita Nose Instagram / Screenshot from Donita Rose Facebook Live)

Ibinunyag ng komedyante at “Wowowin” co-host Donita Nose na nagpositibo siya sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Donita nang lumabas ang resulta ng kanyang swab test.

Sa Facebook live ni Donita, sinabi niyang kasalukuyan siyang nasa emergency room ng ospital dahil sa kakulangan ng kwarto para sa COVID-19 patients.

INNITY ADS

Paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat dahil matindi ang banta ng coronavirus.

Gaya niya umano na mag-isang lumalaban sa ospital.




Kwento niya, maging siya ay sumusunod naman sa precautions ngunit tinamaan pa rin siya ng sakit.

Sa kabilang banda ay hindi na raw siya nabigla sa lumabas na resulta dahil ilang araw na umano siyang may lagnat at diarrhea.

Nakaramdam na rin daw siya ng pananakit ng ulo at pag-uubo.

Nang ikawalong araw ay dito na raw siya nakaramdam ng hirap sa paghinga.

Kaugnay nito, nilinaw niya na bago pa man magpositibo sa COVID-19 ay hindi na siya nagti-taping sa Wowowin.

Pinaalalahan din niya ang lahat ng nakasalamuha na magpatingin.

Samantala, hindi naman nawala ang pasasalamat ng komedyante sa lahat ng nagdarasal sa kanyang paggaling at sa lahat ng nagpapadala ng tulong.

Isa sa binanggit niya ang co-host na si Willie Revillame na aniya’y kusang loob at unang taong nagbigay ng tulong ng siya ay magkasakit.