Kiray Celis, non-showbiz boyfriend nag-celebrate ng first monthsary

439
Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia. PHOTO from IG/stephan.estopia

Matapos umamin sa publiko noong Disyembre, minarkahan naman ni actress-comedienne Kiray Celis ang first monthsary nila ng non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Sa Instagram, ipinahayag ni Estopia ng pasasalamat at pagmamahal niya sa aktres.

“Thank you for making me feel loved and special. I love you very much, mommy,” saad niya kasunod ng pagbati.

INNITY ADS

Kamakailan lang, ipinangalandakan din ni Celis ang pagiging “best” ng kanyang boyfriend.




Ipinakita ng Kapuso sa Instagram ang wallet ng nobyo na may lamang litrato niya, pati na rin ang wallpaper ng cellphone nito.

Sa isang press conference noong nakaraang buwan, ikinuwento ni Celis na matagal niya nang kakilala si Estopia na matalik na kaibigan ng kanyang kapatid.

Kasabay nito, ibinunyag niyang opisyal na silang magkarelasyon.