Kim Chiu naglunsad ng ‘Bawal Lumabas’ merchandise bilang pantulong sa krisis sa COVID-19

1483
YouTube/Kim Chiu PH

Matapos gumawa ng full version ng “Bawal Lumabas: The Classroom Song”, ibinebenta naman si Kim Chiu ang official merchandise nito para makatulong sa krisis sa COVID-19.

Sa kanyang YouTube vlog noong Lunes, ipinakita ng aktres ang tatlong design ng “Bawal Lumabas” T-shirt na mabibili sa halagang P295 each.

Binanggit niya naman na limitado muna ang nilabas ng kanilang grupo dahil trial pa lang daw ito sa ngayon.

INNITY ADS

Mapupunta ang kikitain nito sa food packages para sa mga pamilyang nangangailangan.

Dagdag ni Chiu, kung maging matagumpay ang pagbebenta ay plano niyang makipagtulungan sa “Shop and Share” project nina Angel Locsin at Anne Curtis upang suportahan ang mass testing sa bansa.




“Sumisilip ang pag-asa na one day, puwede na tayong lumabas. This is a very hard moment ngayon na meron tayo kaya magtulungan tayo,” mensahe niya.

Sa parehong vlog, nakipag-ugnayan ang aktres kay DJ Loonyo para magpatulong sa choreography ng “Bawal Lumabas” na sinayaw rin nila bago matapos ang video.

Panoorin dito: