
Nagpaalam na si Kim Chiu sa kanyang lola na payapang pumanaw sa edad na 85.
“She slept peacefully, and little did she know she would wake up in heaven,” pagbabahagi ng aktres sa Instagram nitong Lunes.
“Rest well in heaven, ama! You don’t have to wait anymore sa sunrise ug sunset. I guess in heaven sun is always shining,” dagdag niya.
Kalakip ng post ang video montage ng kanilang family bondings, na nilapatan ng Chinese song na “Yue Liang Dai Biao Wo De Xin.”
Ani Kim, “I know that is one of your favorite songs and you always smile whenever I perform a Chinese song.”
Lalo namang nagpahirap sa aktres ang pamamaalam dahil, hindi sila makapunta sa Cebu kung saan namatay ang kanyang lola.
“Felt hard to say goodbye. Felt even harder that this happened in this kind of situation. We were not able to fly there to whisper our last goodbye,” sabi niya.
Lumaki si Kim at kanyang mga kapatid sa pangangalaga ng kanilang paternal grandmother matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang.