
Ibinahagi ng aktres na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban ang kanilang birthday message sa kaibigang si Bela Padilla sa Instagram.
Ipinakita ni Kim ang ilang mga larawan niya kasama si Bella habang ginagawa nila ang kanilang travel goals ng magkasama.
Aniya, “Happy birthday to this beautiful soul!!!!π thank you for being a great friend to me, you are one of a kind momsie!!! π”
Saad niya, pinili niya raw ang mga ipinost na larawan dahil ito raw ang mga panahong napangiti niya ang kaibigan sa kabila ng pinagdaraanan nito.
“Smile ka lang kahit malungkot ka. So I took plenty of photos as much as I can para kahit papano ngumiti ka! π,” sabi ni Kim.
Biro pa niya, kung saan-saan pa raw niya pinatong ang camera para makuhanan ang pag-ngiti ni Bella.
“You deserve all the love in the world momsie! Happy birthday!!!πβοΈ @bela,” dagdag nito.
Sa kabilang banda, isang larawan din ang ibinahagi ni Angelica Panganiban para sa kaibigan.
Makikitang magkayakap ang dalawa sa litratong ibinahagi ni Ange sa Instagram.
Sabi niya, “HBD @BELA ILY π€.”
Huly0 2017 nang maging close ang tatlong aktres.
Bumuo sila ng grupo na tinawag nilang AngBeKi, kombinasyon ng unang letra ng kanilang mga pangalan.