Kathryn Bernardo, ipinagmalaki ang kapatid na frontliner sa UK

3282
Instagram/@bernardokath

Inihayag ni Kathryn Bernardo kung gaano niya ipinagmamalaki ang kapatid na nagtatrabaho bilang nurse sa United Kingdom sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa interview sa “Magandang Buhay”, sinabi ng Kapamilya actress na dumoble ang paghanga niya sa mga healthcare workers ngayong alam niya ang sitwasyon ng kapatid na si Kaye Bernardo.

“’Yung sister ko mismo, siya nagta-trabaho siya sa UK and nag kuwento siya kung paano sila dun, kung ano yung sitwasyon nila and hindi siya joke. So mas naging proud ako lalo sa ate ko during this situation,” aniya.

INNITY ADS

Ibinahagi rin ni Bernardo kung paano binago ng sitwasyon sa coronavirus ang pananaw niya sa buhay.

“Una, na-realize mo kung gaano ka-precious ang buhay. Parang dati alam mo naman pero ngayon extra thankful ka kasi healthy ka, okay ka at kailangan talaga gawin mo lahat na, protect yourself, para maprotektahan mo ang ibang tao,” sabi niya.




Natutunan niya rin daw ang pagpapahalaga at pagpapasalamat maski sa maliliit na bagay.

“Grabe lang ‘yung pagiging grateful ko ngayon sa lahat. Kasi hindi natin in-expect na ganito siya katagal, na ‘yung buong mundo ay tumigil because of this virus. So grabe ‘yung appreciation ko ngayon sa life,” aniya.