Kathryn Bernardo, Daniel Padilla personal na naghatid ng tulong sa Taal evacuees

176
Photo by balxknxtangi on IG

Magkasamang nagdala ng ligaya at relief goods ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ibinalita ng nanay ni Padilla na si Karla Estrada sa Instagram ang relief operation ng dalawa sa San Luis, Batangas noong Enero 17.

“Hawak-kamay tayo kasama ang KathNiel at buong team na kasama sa pag-kawang gawa,” saad ni Estrada sa caption.

INNITY ADS

Naglabas din ang ilang saksing netizens ng kuha ng dalawa sa evacuation center sa Bonliw.