Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, balik-teleserye sa 2020

186
Photo: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla Facebook

Magbabalik telebisyon na nga ang sikat na love team na KathNiel ngayong darating na 2020 para sa isang teleserye.

Ito ay matapos ianunsyo ng aktres sa isang Thanksgiving party noong ika-22 ng Setyembre, Linggo sa Trivoli Royale Country Club sa harapan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at kanilang mga fans.

“Next year, babalik na kami. Excited kami!” sabi ni Kathryn.

INNITY ADS

Labis itong ikinatuwa ng mga fans ng KathNiel na naghiyawan pa umano matapos i-reveal ng aktres ang magandang balita.

Dagdag pa niya, “Magkakateleserye tayo next year. Gagandahan natin ‘to, promise! So, konting-konting hintay na lang. Iyong iba sa inyo sabi, ‘Bakit ang tagal?’ Pero wait lang! Wait lang. Kinailangan itong time na ito para makapag-recharge, at full blast na kami pagbalik.”




May nakaplano pa raw silang bakasyon bago muling sumabak sa shooting.

Hiningi rin ng aktres ang suporta ng kanilang fans dahil bukod sa kanilang darating na proyekto, itinayo na rin ang barber shop business nila ni Daniel.

“Ito ang first-ever business namin ni DJ together! Pinuntahan na namin siya kahapon. Kailangan namin kayo roon, napaka-special nito para sa amin,” pahabol pa ng aktres.

Nangako naman si Kathryn na gagandahan ang nasabing proyekto para sa kanilang mga fans.