‘Kasalanan ang magbulag-bulagan’: Sunshine Dizon, naglabas na ng saloobin ukol sa hinaharap na isyu ng bansa

1016
(Sunshine Dizon Instagram)

Naglabas na ng kanyang pahayag ang aktres na si Sunshine Dizon hinggil sa isyung pambansa kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ng aktres ang hinaing matapos ang umano’y matagal niyang pananahimik sa kabila ng samu’t saring nagaganap sa bansa.

View this post on Instagram

#itoangsonako #sonangaling #sonatotoo Salamat sa mga maayos na nag binigay ng opinyon at marunong rumespeto din sa opinyon ng iba. Hindi man tayo parepareho ng katwiran lahat sana ng Pilipino matututong mag pahayag ng tama at ayon sa pinag uusapan at hindi iyong pa memersonal at pambabastos ang kanilang paraan upang depensahan nila ang kanilang katwiran. Salamat sa mga naki isa at sa iba na hindi tanggap ang aking opinyon maari na po kayong mag unfollow para hindi po tayo magkasakitan ng damdamin. Ipagdarasal ko ang Pilipinas at lahat ng na mumuno gabayan sana sila ng Poong May Kapal himukin at ma alala nila ang tunay nilang tungkulin. Mag silbi para sa bayan, para sa mga Pilipino at hindi para sa kanilang mga sarili. Salamat po.

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon) on

INNITY ADS

Pinili raw niyang hindi magsalita noon pero sabi niya, “Mas malaking kasalanan ang magbulag-bulagan kung alam mo ng hindi na tama.”

“Oo hindi po ako abogado pero marunong po akong magbasa at marunong din akong umintindi. Gusto ko pong mamuhay sa Pilipinas kasama ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan ng payapa at walang takot na may mga tao na matatas at makapangyarihan na pwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat,” pahayag ng aktres.




“Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapagsuspetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o ako’y sumali sa isang protesta,” dagdag niya.

Iginiit ni Dizon na mali ang alisan ng karapatan ang tao na maglabas ng saloobin laban sa mga maling nakikita.

Hindi rin daw dapat mawalan ng boses at respeto ang bawat isa para sa malayang pagpapahayag.

“Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao,” salaysay ng aktres.

Naglabas din siya ng saloobin tungkol sa kontrobersyal na Anti-Terror Law na aniya’y sang-ayon siya bilang proteksyon sa lahat.

Pero paglilinaw niya, “… hindi ako sang-ayon sa batas na hindi malinaw na posibleng maabuso sa mga kamay ng mga taong nakatataas at makapangyarihan na pansariling pakinabang lang ang uunahin.”

Hindi na rin pinalagpas ng aktres ang kanyang hinaing tungkol sa tumataas na bilang ng mga may COVID-19 sa bansa.

“Nasaan na ang kongkretong plano para sa bayan? Wala pa rin mass testing. Pero nagawang ipasara ang ABS-CBN at tanggalan ng hanapbuhay ang higit sa 11,000 na pamilya.”

“Nagawa ang ANTI-TERROR BILL. Paano at ano pa ang mga pwede nilang gawin ngayong ito ay naisabatas na,” pagtatapos nito.

Sa huli ay pinaalalahanan ni Dizon ang mga mamamayan na huwag maging bulag-bulagan para ipaglaban ang kalayaan at karapatang pantao.