Karla Estrada, Melai Cantiveros, nagbigay ng tulong sa mga apektado ng Taal eruption

178
(Karla Estrada and Melai Cantiveros Instagram)

Dahil sa pagsabog ng bulkang Taal nito lamang Linggo, Enero 12, maraming residente ang nasalanta at nawalan ng tirahan.

At upang makatulong, nagkaroon ng fund-raising activity ang aktres at host na si Karla Estrada para sa apektado ng Taal eruption.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni Karla ang kanyang “Bazaar for a Cause” kahapon, Enero 14 sa Quezon City.

INNITY ADS

Aniya sa kanyang post, “See you mga momshie!!! Ang bawat damit ko na bibihin mo ay tulong mo sa mga nasalanta ng Taal Volcano 🌋 umpisa na ngayong 5pm hangang sunday 8pm!!! Thank you and God Bless your heart momshie🙏🏻🙏🏻🙏🏻.”

Sa kabilang banda, hindi rin nagdalawang-isip ang kanyang co-host at kaibigang si Melai Cantiveros sa pangongolekta ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng pagsabog.




“Ang sarap tumulong sa mga kapwa Pilipino kasi napaka appreciative ninyu ❤️ anjan si Papangstrolls @jasonfrancisco11 nagpaabot ng tulong sa knyang kapwa batanguenos :),” saad niya sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

Ang sarap tumulong sa mga kapwa Pilipino kasi napaka appreciative ninyu ❤️ anjan si Papangstrolls @jasonfrancisco11 nagpaabot ng tulong sa knyang kapwa batanguenos 🙂 Ala E …. ( maiba tayu ang maflex ko lang dalawang chikiting ko na very busy dn kahapon at ang galing nila maglagay ng goods na dapat ilagay sa eco bag , chinechek ko tama at di sobra di rin kulang , very good mga anakshie 👏👏👏 @atemelafrancisco @stelarosalind , tingnan nyu sa video , hay nakakainlove tlaga . Salamat dn sa mga tumulong sa aming pamilya to make it possible @jasperofthemoment @pegie1991 @powlmurillo @lagosmarygrace @castanorica , jessa ,atemay , Mama ,kiel , ryan , titoAto, ateKat ❤️

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco) on Jan 14, 2020 at 9:08pm PST

Maalalang nito lamang Linggo nang magsimulang mag-alboroto ang bulkang Taal kung saan marami na ang pinalikas na residente lalo na ang mga taga Batangas.

Maging ang mga residente mula karatig na probinsya ay sinimulan na ring palikasin dahil sa nagbabadyang pagsabog ng bulkan.