Julia Montes, magbabalik na sa telebisyon ngayong taon

265
(Cornerstone Instagram)

Matapos ang ilang buwang pananahimik, balik showbiz na ang Kapamilya actress Julia Montes ngayong taon.

Inanunsyo ng talent agency ni Julia na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment ang pagbabalik ng aktres na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, kahapon, Enero 15.

Saad niya sa kanyang post, “Welcome back @montesjulia08 ! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!”

INNITY ADS

Ani Raymundo, magiging busy year daw ang taong ito para sa aktres dahil sa sunod-sunod nitong nakaabang na proyekto.

Dahil sa magandang balita, labis na galak ang ipinarating ng mga fans ng aktres matapos ang ilang buwang pananahimik.




“Wow!!!!! welcome back @montesjulia08 🤗🤗🤗,” sabi ni Bea Alonzo.

“Yeheyyyy excited na kami😍😍,” saad naman ng isang nagkomento.

Samantala, maaalalang nito lamang mga nakaraang buwan nang may kumalat na espekulasyon na nagdadalantao ang aktres na agad namang itinanggi ng kanyang management.

Ayon sa kanila, lumipad pa-Germany noong nakaraang taon si Julia para gugulin ang kanyang oras kasama ang ama.