Jolo Revilla, Angelica Alita ikinasal na sa California

432
Photo via Instagram/@jolo_revilla

Ikinasal na ang aktor at Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla sa kasintahang si Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.

Idinaos ang pag-iisang-dibdib sa California, US noong Linggo (Lunes sa oras ng Pilipinas).

Ibinahagi ng ama ni Jolo na si Senador Ramon “Bong” Revilla ang ilang bahagi ng kasalan sa Facebook.

INNITY ADS

Base sa bidyo, naging emosyonal sina Jolo at Alita sa pagpapalitan ng pangako sa isa’t-isa.

Because of you and what you do, you made me a good man. Thank you for loving me. You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino ako at kung ano ako,” saad ni Jolo.




There’s nothing not to love about you.I love how you manage to take care of millions of other people before yourself. You are the most caring father, son, and brother to your family,” papuri naman ni Alita sa bagong mister.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina Cavite Vice Governor Jonvic Remulla, Davao City Mayor Sara Duterte, Jinggoy Estrada at iba pa.

Noong Agosto, kinumpirma ni Jolo ang planong pagpapakasal kay Alita.