Joel Cruz, pinalaking walang gadget ang mga anak

1519
Photo: Joel Cruz Facebook

Masayang ibinahagi ng sikat na perfume-maker at businessman na si Joel Cruz ang klase ng pagpapalaki sa kanyang walong anak.

Sa pitong taon kasi ng pagiging ama niya ay hindi niya binigyan at pinagamit ang mga anak ng kahit anong gadgets gaya ng cellphone, tablets o iPad.

Ayon kay Joel, ayaw raw niyang tumutok sa gadgets ang mga anak dahil baka hindi na niya makausap ang mga ito.

INNITY ADS

Sabi niya, “Minsan nga, nakita ko sa isang restaurant yung isang pamilya na habang kumakain sila, may kanya-kanya silang cellphone na hawak at di sila nag-uusap. Ayaw kong mangyari sa amin yun.”

Ibinahagi rin niya na kahit cellphone raw ay wala ang mga ito kahit kaya niya naman umanong bumili nito para sa kanila.




“Minsan nakakagamit sila pero hindi yun sa kanila, kahit 10 to 20 minutes, they use the iPad or cellphone ng yaya nila or minsan yung sa akin din na cellphone. Sinasabi ko kasi sa kanila na masisira yung mata nila when they use gadgets,” aniya.

Maaalalang mayroong walong anak si Joel sa pamamagitan ng ‘surrogacy’ at kamakailan lang ay nagdiwang ng ika-pitong taon ang kanyang panganay na kambal.

Dagdag niya pa, ngayong darating na Nobyembre ay magdiriwang ng 1st birthday ang kanyang bunsong anak.

Proud pang sinabi ni Joel, “Masasabi ko na I’m proud of myself na isa akong ama na nakayanan ko palakihin sila na wala pa ring gadget even up to now na seven years old na sila.”