JM de Guzman, PH Air Force namahagi ng relief goods sa PWDs

150
Instagram/@1migueldeguzman

Sumalang sa relief operation si JM de Guzman sa Navotas City bilang bahagi ng kanyang misyon sa Philippine Air Force (PAF).

Sa Instagram nitong Biyernes, ibinahagi ng aktor ang pamimigay nila ng relief goods sa 150 persons with disability sa nasabing lungsod.

Nagsimulang mag-training si de Guzman bilang reservist ng PAF noong Marso, kasabay ang kapwa Kapamilya star na si Kiko Estrada.

Bukod sa PAF, nakasama rin ng aktor ang kapatid na si Matthew at nobyang si Stephen Robles sa pamamahagi ng relief goods.




Nabanggit din ng aktor na matapos ang relief operation ay tinanghal silang honarary members ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) Navotas City council.

“Thank you, too, Boy Scouts of the Philippines for making us honorary members in Navotas Council,” saad niya sa post.

Nito lamang Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, nang sumabak na rin sa reservist training sa ilalim ng PAF ang aktres na si Arci Muñoz. (BASAHIN: Arci Muñoz, sumabak na sa training bilang Philippine Air Force reservist)